A poem I made for someone really dearest and closest to my heart:
Aalis ka nanaman,
ang lungkot na nanaman
Wala na namang kadamay,
sa tawang walang humpay.
Wala nanamang uunawa,
sa walang tigil kong drama.
Ang bahay ay nakakabingi
sa tahimik, dahil mas
mabuti pang maingay
basta’t boses mo ang tinig.
Kapag nalulungkot
pakiramdam ri’y nagiisa
ngunit pag andyan,
at lungkot ay bisita
alam kong ikay mahahagkan
upang ako’y patawanin
na nino ma’y walang
nakakagawa kundi ikaw lang
ikaw ay kakanta
at ikaw ri’y sasayaw
kahit itoy pangit basta
ngiti ko’y haggang langit
ngunit ngayon,
narinig ko nanaman,
“Aalis na ko.”
Katagang simple
pero nakakalungkot,
tatlong salita
ngunit iba ang nagagawa
nakakadurog ng puso
pero kailangan mo’ng lumayo
Para sa pangarap na
matagal mo nang hagkan,
andito lang ako,
kapit ang iyong tangan.
– Justine Balsamo
(image source: google)